Una sa Balita

Free throw ni Batiller nagpanalo sa Letran

0 247

NAGTULUNGAN sa opensa sina Bonbon Batiller at Ato Ular upang akbayan ang Letran Knights sa 82-80 overtime win kontra Perpetual Help Altas sa 95th NCAA basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Sinalpak ni Batiller ang panelyong free throw may 4.6 segundo na lang sa orasan upang tuhugin ng Knights ang three-game winning streak at ilista ang 3-1 karta.

Nagtala si Batiller ng 22 points habang nirehis­tro ni Ular ang career-high 19 markers at 13 rebounds para sa Letran.

Inalat ang opensa ni Jerrick Balanza na tumipa lang ng siyam na puntos.
“A win is a win, but we still need to learn how to close out games,” ani head coach Bonnie Tan.

Samantala, nakaba­ngon agad mula sa pagkakadapa ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University Pirates matapos nilang kayurin ang Mapua Cardinals, 79-71, sa panga­lawang laro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy