Una sa Balita

Free online training

By
0 1,564

Nagsimula po sa pangarap nating pag-ugnayin ang training at trabaho, ngayon anim na taon na po ang Free TESDA Online Program o TOP mula nang ilunsad natin ito noong May 14, 2012.

Puwede niyo pong ma-access ang TOP gamit ang inyong PC o smart phones. I-type lang sa inyong search bar ang www.e-tesda.gov.ph at mag-register.

Tatagal lang po ng isang minuto ang registration at makakatanggap kayo agad ng e-mail para i-confirm ang inyong account. Pagkatapos, makakapili at makakapag-enroll na po kayo nang libre sa anuman o ilan mang kursong gusto niyo.

Mula sa 49,880 mga re­gistered user noong 2012, umakyat na po sa mahigit 1.2 milyon ang mga Filipinong nakikinabang sa TOP ngayon kung saan 25% ay mga OFW.

May 59 open online courses po ang TOP na puwede niyong pagpilian tulad ng Diesel Engine Tune Up, Ships’ Catering, Massage Therapy, Animation, Technopreneurship, Laundry Servicing, Game Production Basics, CAD/CAM Operations, Fruit Grower, Housekeeping, Cookery, Food & Beve­rage Servicing, atbp.

Para matulungan ang mga fresh graduate at entrepreneur, naglagay din po tayo sa TOP ng mga kurso para tulungan kayong paunlarin ang inyong personal finance, job interview skills at confidence sa sarili.

Dahil sa malaking impact ng TOP sa nakalipas na 6 na taon sa pagbibigay nang libreng training at paglikha ng trabaho, palalawakin pa po natin ito sa pamamagitan ng dagdag na badyet, patuloy na inobasyon at pag­lilinang ng kakayahan ng mga trainer sa paggawa ng mga e-learning material.

Sa ngayon, gumagamit po ang TOP ng MOOCs o Massive Open Online Courses para maiparating ang training nang libre at accessible kahit anong oras. Kaya nakadepende po sa inyong bilis at oras ang pagkompleto ng training sa TOP. Unlimited din po ang access sa materials para magkaroon kayo ng mastery.

Sa pamamagitan ng mga video, maaari niyong ma-practice ang inyong skills nang paulit-ulit at makapagpa-certify. Ipinagmamalaki po natin na nasa 92% po ang certification rate o nakakakuha ng National Certificates (NCs) sa tulong ng TOP.

Para po lalong makatulong ang TOP sa ating kababayang makakuha ng trabaho, makikipagtulu­ngan po tayo sa e-TESDA para maisakatuparan ang planong makapagbigay ng Training Certificates, Online Assessment at Blen­ded Learning kung saan pagsasamahin ang online at face-to-face learning.

Samantalahin po natin ang libreng online training­ na ito dahil nakasalalay po sa inyong skills ang tsansa niyong matanggap o umangat­ sa trabaho o kaya’y makapagsimula o patatagin ang inyong negosyo.

Related Posts

Maraming Filipino ang magpapatunay na ang ibibigay sa inyo ng TOP ay hindi lang skills, kundi ‘trabaho, oportunidad at pag-asang umasenso’.

Mag-register na po kayo sa TOP, matuto nang libre at magkatrabaho.

Job Fair Schedule

PG Nueva Vizcaya Job Fair
Provincial Capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya
May 21

City PESO & TSU JPO Job Fair
Tarlac State University Gymnasium
Romulo Blvd. San Vicente, Tarlac City
May 22

Pangasinan Provincial PESO Job Fair
Alvear St., Capitol Complex
Lingayen, Pangasinan
May 22

PESO Antipolo Job Fair
Vista Mall Events Hall, Antipolo City, Rizal
May 22

Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair
Municipal Covered Court, Capas, Tarlac
May 22

PESO Panabo City Job Fair
ABC Hall, Panabo City
May 23

LGU-PESO Mangaldan Job Fair
Mangaldan Municipal Building
Mangaldan, Pangasinan
May 25

Mynimo, Inc. Job Fair
SM City Cebu Trade Hall
Cebu City
May 26

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)