Una sa Balita

Free College Law ni Bam kinumpirma ni Digong

By
0 546

SA pambihirang pagkakataon, pinasalamatan ni opposition re-electionist Senator Bam Aquino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos kilalanin ng Pangulo ang pagsusumikap ng senador para maging ganap na batas ang libreng pag-aaral sa kolehiyo ng kabataang Pilipino.

Noong Martes sa Koronadal City, sinabi ng Pangulo na tumulong ang senador sa pagbuo ng batas para sa libreng kolehiyo.

“Salamat at kinilala ni Presidente na tinrabaho natin para maisabatas ang libreng kolehiyo,” ayon kay Sen. Bam.
Dahil sa pahayag na ito ng Pangulo, napagtibay ang unang sinabi ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na si Sen. Bam talaga ang nagtulak para maging batas ang libreng kolehiyo.

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ni Senador Bam na bukas siyang makipagtulungan sa Pangulo sa anumang pagkakataon lalo na aniya kung makakatulong ang usapin sa mahihirap na taumbayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy