Una sa Balita

Freddie Aguilar pasok sa PDP-Laban Senate lineup — Koko

By
0 1,885

KINUMPIRMA ni Senat­e President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na ikokonsidera rin nila sa senatorial lineup ng Partido Demokratido Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang singer/composer na si Freddie Aguilar.

Ito ay kasunod ng pa­hayag ni Aguilar na handa na siyang sumabak sa Senatorial elections sa May 2019 dahil sa mga panawagan mula sa iba’t ibang grupo.

Sinabi ni Pimentel na bukod sa party member ay pasado si Aguilar sa lahat ng kuwalipikasyon bilang senador at tiyak siyang may mga nalalaman na itong batas na magreresolba sa mga problema sa bansa.

“Go over the qualifi­cations for senator. He has all of them. And for sure he has ideas on how legislation can solve some of our problems,” saad ni Pimentel.

Kasabay nito, iniha­yag ng lider ng Senado na posibleng sa Agosto o Setyembre ay maglalabas na sila ng pinal na lista­han ng mga kandidadto.

“Wala pa naman final list. By August-Sept pa yan ma finalize given the ‘overflow’,” dagdag ni Pimentel.
Sa ngayon anya ay mahigit 20 na ang kanilang ikinokonside­rang kandidato kasama ang mga reeleksyunis­tang senador na kasapi ng mayorya.

Kabilang dito sina Se­na­dor Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Grace Poe at Cynthia Villar.

Si Aguilar ay sumuporta sa kandidatura noon ni Duterte kung saan sinulat niya ang kantang ‘Duterte Para sa Tunay na Pagbabago’­.