Una sa Balita

Freddie Aguilar nag-walk out sa Star Awards for Music?

By
0 1,205

Hanggang ngayon ay wala pa ring official statement si Freddie Aguilar sa tsikang nag-walk out daw ito sa katatapos lang na Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club. Ang buong akala raw ng lahat ay magsi-CR lang ito, pero hindi na bumalik sa kanyang kinauupuan.

Si Freddie ang dapat sana ay tatanggap ng Da­ngal Levi Celerio Lifetime Achievement Award, pero katulad nga nang nangyari, hindi na nito ito nahintay ay kusang-loob na umalis.

Para sa iba, ito ay pagwu-walk out, pero para sa iba naman ay hindi na ito nakapaghintay dahil sa maaga raw itong dumating pero mag-a-ala-una na ng mada­ling araw ay hindi pa sa kanya naigagawad ang nasabing parangal.

Dahil double awards’ night ito para sa taong 2017 at 2018, doble-doble rin ang umaakyat para tanggapin ang kani-kanilang tropeo, doble-doble rin ang speech, at marami ang intermission number, kaya humaba talaga ang running time ng nasabing awards’ night.

Dinadala na nga lang ng mga host na sina Xian Lim, Karylle, Kim Chiu, Aljur Abrenica, at Christian Bautista sa kanilang mga pagbibiro at paghingi ng paumanhin para hindi ma-bored ang mga utaw.
Habang nagpi-perform ang Ex-Battalion, Chicsers at Sasha nang mamataang umalis ang legendary folk singer sa kanyang upuan at hindi na nga bumalik ito.

Well, naiintindihan namin ang naging aksyon na ‘yun ni Ka Freddie, dahil bukod sa maaga siyang dumating, umiikli na rin ang pasensiya nito dahil hindi na rin ito bata.

At kahit siguro nga sino man, kung ganun na rin kahaba ang paghihintay ay maiinip na rin at baka hindi na rin ito sanay mapuyat.

Hindi rin namin masisisi ang bumubuo ng Star Awards na kinabibilangan ng mga katoto namin dahil hindi naman nila hawak ang takbo ng produksiyon.

Siguro lang, next time, para maiwasan ang ganitong pangyayari, ay i-squeeze na lang ang programa sa takdang oras na dapat kailangang matapos ito, mas unang ibigay ang awards sa may mga senior moments na, at bigyan din sila ng abiso.

Yun lang!

Heart Best Dressed sa Harper’s Bazaar

Aba, fashionista talaga ang dating ni Heart Evangelista sa totoong salita nito. Hindi na ito nakapagtataka dahil kahit naman nang magsimula ito sa showbiz ay masasabing isa talaga ito sa best-dressed actresses ng ating local industry.

Pero, siyempre, iba ang datingan kapag ang nagbibigay sa iyo ay mula sa ibang bansa at isa rin sa recognized na fashion capital of the world, ang New York City.
Kabog, devah?

Yes, si Heart ay pinarangalan bilang isa sa Best Dressed Celebrities sa Harper’s Bazaar ICON Party na ginanap sa Plaza Hotel, sa New York City.

Laban ka?

Suot ng 33-year-old fashionista ang isang asymmetrical black gown created by Mark Bumgarner. Ang kanyang outstanding look ay na-feature alongside Kendall Jenner, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, Karolina Kurkova, Cristina Aguilera, Nicki MInaj at iba pang mga bonggang Holywood celebrities sa  Elle.com at The Cut.com.

Well, knowing Heart, hindi talaga ito magpapakabog sa iba, noh! Lalo na’t alam niyang walang gaanong Pinay na nandun at siya ang bonggang representative natin, devah?