Una sa Balita

Frayna, Miciano draw sa 7th

By
0 1,235

TABLA ang laro nina International Master John Marvin Miciano at Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna laban sa magkahiwalay na katunggali upang manatili sa asam na titulo sa se­venth round ng 44th Open Internacional d’Escacs Vila De Sitges sa Spain, ­Biyernes nang gabi.

Nakipaghatian ng puntos si Miciano, 17 kay Cuban woodpusher IM Luis Lazaro Aguero Jimenez sa marathon 141-move ng super sharp Sicilian upang ilista ang limang puntos at sumalo sa 11-player group sa fourth spot.

Natablahan naman si 22-year-old Frayna ni FIDE Master Anders Larsson ng Sweden upang umangat sa 4.5 points, isang puntos na abante sa tatlong chesser na nasa top spot.

Nagsisiksikan sa unahan sina top seed Gadir Guseinov ng Azerbaijan, Cuban IM Rolando Alarcon Casellas at In­dian Shrivatri Anuj ta­ngan ang tig-5.5 points.

Kasama ni Frayna sa grupo ang kanyang coach na si GM Jayson Gonzales na kinalos si Singhania Vatsal ng India.

Sunod na kalaban ni Miciano si Anuj sa eighth at penultimate round, sasampa sa top three ang Pinoy kung mananalo siya sa laro.

Habang si Frayna na ang kampanya ay suportado ng Philippine Sports Commission at ni Philippine STAR president at chief executive officer Miguel Belmonte ay makakaharap si IM Santiago Beltran Rueda ng Spain. Toka kay Gonzales si untitled Indian Saha Neelash.