Una sa Balita

Frayna bumakas sa Belgian GM

By
0 8

Nakihati ng puntos si WGM Janelle Mae Frayna kay second seed Grandmaster Alxandre Dgebuadze ng Belgium sa ninth at final round upang sumampa sa top 10 ng Brugse Meesters Chess 2017 sa Brugge, Belgium.

Lamang si Frayna at may pagkakataon itong manalo subalit nahirapan ang 21-anyos na mahanap ang winning move, kaya nauwi sa draw ang kanyang laban ay makihalo sa six-way logjam sa eight place hawak ang 6.5 points. 

Pang 10th overall si former Far Eastern University standout, Frayna matapos ipatupad ang tiebreaks. 

Nagkampeon sa na­sabing event si Dutch International Master Lucas Van Foreest na may walong puntos. 

Best performance ni Frayna matapos ang limang tournaments na sinalihan niya sa kampanya nito sa Europe. 

Misyon ni Frayna na makalikom ng rating points upang makapasok sa elite women’s top 10. 

“This has been my 5th tournament in Europe and my first time to win a trophy. In the past tourneys, I had some fantastic start but would end up badly placed in the last 2 rounds,” saad ni Frayna. “In this tourney, I played against 3 GMs (two draws, one loss) and managed to gain more ELO rating points. 

“It’s just a pity that on my 9th and last round against a Belgian GM, I had a winning position but misplayed it and the game was eventually drawn. Nevertheless, I really learned a great deal here,” 

Hindi naman pinalad ang coach at trainer ni Frayna na si GM Jayson Gonzales matapos yumuko kay Eelke De Boer ng Netherlands upang makalikom lang ng anim na puntos. 

Si Frayna ay suportado ng Philippine Sports Commission at Natio­nal Chess Federation of the Philippines, kasama sina Aurelio Montinola ng FEU, The Philippine STAR’s Miguel Belmonte at Edward Go at Senate President Koko Pimen­tel at Bobby Ang.