Una sa Balita

Fraternity, posibleng ugat ng corruption at influence peddling?

By
0 36

Hindi lang dapat ipagbawal ang hazing sa mga initiation rites bagkus at tuluyan ng gawing ilegal mismo ang fraternity sa bansa.

Bagama’t pinahihintulutan ng Konstitusyon ang pagbuo ng organisasyon, kung ito naman ay naabuso ay makakabuting ipagbawal na lalo na ang mga fraternity sa mga nag-aaral ng abogasya.

Kung ating sasaliksikin ang mga nangyayari sa ating bansa lalo na sa ating justice system ay may malaking kinalaman din ang fraternity.

Sa aking pananaw ay dapat ipagbawal ng batas ang fraternity sa mga law students at lahat ng mga abogado.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapag ang isang abogado na may hawak na kaso ay mayroon itong bentahe kung ang hukom na may hawak ng kaso ay kasamang miyembro ng fraternit o Ka brod.

Madalas ipagmalaki ng isang abogado sa kanilang kliyente na maipapanalo nito ang kaso at may bentahe dahil Ka-brod ang hukom o mismong mahistrado.

Okey lang naman kung nasa tama ang kaso at kailangan ng hustisya pero ang masaklap ay maaaring ang mali at maysala ay maabsuwelto dahil lang sa impluwensiya.

Hindi rin naiiwasan na pag-ugatan ng corruption ang fraternity sa mga kontrata sa gobyerno lalo na kung ang pinuno mismo ng ­departamento ay may Ka brod na interesado sa proyekto sa gobyerno.

Samantala, kung hindi mapagtibay ang batas na magbabawal sa fraternity sa mga law students at practioners ay makakabuting ilantad na ang lahat ng mga pangalan ng mga fraternity at sorority.

Mula sa mga mahistrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Department of Justice, Ombudsman , mga mambabatas at may mga hawak na sensitibong posisyon sa gobyerno ay dapat ilantad ang kinaaanibang fraternity at sorority upang mabantayan ang galaw ng mga ito.

Mahalagang malantad sa publiko ang lahat ng mga orga­nisasyong kinaaaniban ng mga opisyal ng gobyerno upang agad matiktikan kung naabuso ang kapatiran sa fraternity para makuha ang paborableng desisyon sa isang kaso.

Sa ngayon ay inaasahang nagtatakipan na sa kasong ng ha­zing victim na si Horacio Castillo III na isang UST law student na napatay dahil sa marahas na initiation rites.

Dapat ay mapanagot ang sangkot sa kaso at mismong ang mga senior members ay lumutang na sa publiko at hikayatin ang kanilang mga miyembrong sangkot sa hazing na harapin ang consequences ng nangyaring trahedya sa Aegis Juris Fraternity.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy