Una sa Balita

Fraternity, ipagbawal na

By
0 63

Panahon na upang mabilis na kumilos ang mga paaralan sa buong bansa upang pigilan ang posibilidad ng hazing sa mga fraternity.

Maaring dagliang hakbang dito ay ang nismong mga paaralan ay ipagbawal na ang fraternity sa mga eskuwelahan.
Masyadong matagal pa at mahaba

Ang proseso kung aamyendahan ang anti-hazing law na umiiral sa bansa.
Kung magpapatibay ng batas ay huwag lang I regulate ang fraternity bagkus ay tuluyan ng ipagbawal ng gobyerno lalo na sa mga paaralan.

Malabong mahinto ang hazing sa mga initiation rights dahil lahat ng mga miyembro ay dumaan kaya naman tradisyon na ito rin ang prosesong pagdaanan ng mga bagong kasapi.

Kung tuluyan ng ipagbabawal ay magiging iligal na ito sa mga paaralan a maaring maging dahilan upang mapatalsik ang mga estudyante.

Manguna sa pagpababawal na ito ay ang mismong mga opisyal ng unibersidad at mga faculty members na magtatakwil sa fraternity.

Mas makakabuting ang gawing sandigan na lang ng kapatiran ay kapag sila ay parehong eskuwelahan ang pinanggalingan at hindi na ang fraternity.

Samantala, dapat ay mismong ang mga Nasa mataas na katungkulan sa sangay ng hudikatura ay sila magsalita at isulong ang pagbabawal mg fraternity sa mga paaralan upang maaalis na rin ang hazing.

Parang ang hakbang na ito ay ang mabilis na pag aalis ng pinaka ugat ng problema at ito ay ang mismong fraternity na siyang dahilan kung bakit may nangyayaring hazing.

Kaugnay nito ay tiyakin din ang mabilis na pagpapataw ng parusa sa mga sangkot sa hazing sa pagkamatay ng UST law student na si Horacio Castillo lll .

Patunayan din mismo ng mga humom at mahistrado ang mabilis na pagresolba sa kaso ni Castillo upang magsilbing babala na rin ito sa lahat.

Sa mga nakaraang kasong hazing at pagkamatay ng bagong miyembro mg fraternity ay umabot sa mahigit 10 taon ang itinatakbo ng kaso na masyadong nadedehado ay ang mga biktima at pamilya nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy