Una sa Balita

Francine umamin sa ‘pagmamahal’ kay Kyle

0 462

Medyo namula ang mga mata, na parang iiyak, luluha si Kyle Echarri, nang marinig ang mga linyahan ni Francine Diaz, na palagi pala itong kinikilig kapag nagkikita sila.

“Hindi ko po ma-explain, pero lagi po na looking forward ako na magkita kami. Nakakakilig po ‘yung pakiramdam na heto nga, magkikita ulit kami,” sabi ni Francine.

Medyo gulat nga si Kyle sa chika na ‘yon ni Francine.

“Wow, first time kong marinig ‘yan from Francine. Hindi ko ini-expect. Ang sarap ng pakiramdam na napapasaya ko pala siya sa mga ganu’ng bagay,” sabi ni Kyle.

Anyway, sina Francine at Kyle nga ang mga bida sa “Silly Red Shoes”, na ang kuwento ay tungkol sa malalim na pagtitinginan nina Chuck (Kyle) at Ashley (Francine).

Sa kagustuhang mabuhay muli ang negosyong sapatusan ng kanyang pamilya, hihingin ni Chuck ang tulong ni Ashley na maging model ng ginawa niyang sapatos para sa isang contest. Ngunit dahil ikinakahiya ang mga paa niyang tila nagbabago ang size araw-araw, mahihirapan ang dalaga na magampanan ang pagiging model sa kabila ng pagbibigay ng lakas ng loob sa kanya ng sapaterong kaibigan.

Sa pagiging malapit ng dalawa, matutuklasan nila ang sikreto sa likod ng isang misteryosong pares ng pulang sapatos na nakapagtatakang kasya kay Ashley at magbabago sa kanyang buhay.

Anyway, ikaw ba ay Team Silly o Team Wild? Iboto na ang pelikulang una mong gustong mapanood sa espesyal na poll sa official Facebook page ng Dreamscape Entertainment (facebook.com/DreamscapePH) simula Nobyembre 13 (Miyerkoles), 8 PM hanggang Nobyembre 22 (Biyernes), 10 PM. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy