Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Francine Prieto kay Duterte: Hanggang mayor lang siya!

0 1,854

“Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente.”

‘Yan ang naging patama ng dating sexy star na si Francine Prieto-Shotoski kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan sa kanyang administrasyon ay naipasara ang ABS-CBN, gayundin ang pagpasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020.

Saad ni Prieto, sobrang bait umano ng mga Pinoy dahil kung sa iba umano nangyari ito ay sinira na ang mga pagmamay-ari ng gobyerno o kaya ay may masama na umanong nangyari sa mga politiko.

“Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatarando na tayo, ginagago na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila,” giit ni Francine.

“Sana magresign na siya ngayong 2020… Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya,” aniya pa.

Pinatamaan din ni Francine ang hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic, kung saan hindi pa umuusad kahit pa ang Pilipinas ang may pinakamahabang community quarantine sa buong mundo.

https://twitter.com/NorWEIRDgian/status/1287266595178344449

(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.