Una sa Balita

Francine Prieto ayaw pakabog kina Solenn, Georgina at Isabelle

By
0 258
Frank at Francine
Frank at Francine

Ang dating sexy actress na si Francine Prieto ang pinakabago sa listahan ng mga celebrities na nag-asawa sa taong ito.

Ayaw pakabog ni Francine kina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza dahil isang American scientist ang kanyang mister. And take note, sa Italy rin ginanap ang kanilang kasalan.

O, devah?

Ang asawa niyang si Frank Shotkoski ay isang molecular biologist na ipinakilala sa actress ng isang common friend noong nakaraang taon. Sa buwan ng Oktubre sila na-engage to be married.

Bago nga sila ikinasal, nag-post ang dating model-actress sa kanyang IG account ng, “I knew I did from the first moment we met.

“It was… not love at first sight exactly-but familiarity.

“Like, oh, hello, it’s you, it’ going to be you.”

Pagkatapos naman ng kanilang wedding vows, nag-post ulit siya ng, “I have found the one whom my soul loves.”

Base sa post, mukhang simple lang ang kasalang naganap sa Capri, Italy pero ang mahalaga nga’y pareho silang masaya sa pagsisimula ng isang pamilya.

Minsan na ring nabanggit ni Francine na handa siyang talikuran ang showbiz para lamang mag-focus sa kanilang family life.

Kaya, very memorable nga raw sa kanya ang Dolce Amore dahil isa ito sa huling projects na ginawa niya bago pa man siya maging Mrs. Shotkoski.

Wala pa namang nabanggit si Francine kung saan ba siya magbi-base pero sa trabaho ng kanyang asawa, mukhang sa Tate na siya pipirmi o kung saan man naka-base ang kanyang dyowa.

Congrats, Francine!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy