Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Francine pinaliguan ng regalo ni Kyle

0 213

Napakapalad ni Francine Diaz sa pagkakaroon ng mapagmahal na kasintahang si Kyle Echarri at suportado pa ng pamilya ng huli.

In full force ang pamilya ni Kyle sa birthday surprise kay Francine.

Mismong nanay pa ng young actor ang nag-video at ibinalandra sa kanyang social media ang pagpunta nila sa parking lot para lang ibigay ang mga regalo nila sa 17th birthday ng teen actress.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakaposte sa IG ng nanay ni Kyle ang video kung saan naglalakad si Kyle kasunod ang nakababatang kapatid na babae patungo sa sasakyan ni Francine.

Halos maligo sa regalo si Franchine na bigay ni Kyle at ng pamilya nito.

Sa parehong video, makikita ang umiilaw na mga bulaklak, pati na ang bracelet, necklace at kung anu-ano pa.

Hindi man halata sa reaction ni Francine pero makikita sa mata ng dalaga ang kasiyahan. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.