Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Francine binawalang makipagrelasyon kay Seth

0 316

Pinayuhan ni Vice Ganda ang controversial na si Francine Diaz. Sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo ay nagtanong dito si Francine kung ano raw ba ang best age na magkaroon ng boyfriend.

Though, maingay nga ang isyu between Francine and Seth Fedelin, pero pareho sina Francine at ang manager niya na nagsasabing single pa ang Kapamilya star.

Sabi naman ni Vice kay Francine, wala naman daw best age.

“Wala naman best age, pero actually, kung best age, eh ‘di ‘yung age na mature ka na, ‘yon. Pero ‘yung right age, wala namang right age, kasi iba-iba naman ang sensibilities at sensitivities ng tao.

“Kasi, may mga tao na 14 pa lang, matured na. Meron namang treinta na, wala pa rin pinagkatandaan.”

Sa part daw ni Vice, palagi siyang mature na.

Sa isang banda, dahil 17 pa lang si Francine, ang payo ni Vicki rito, wait muna raw, kapag 20 na.

Masakit ba Bianca? Kylie markado sa puso ni Ruru

Nag-reminisce sina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa ginawang YouTube vlog ni Ruru kunsaan, ang guest niya ay si Kylie.

Sa Encantadia talaga nagsimula ang team-up nila na at that time, kahit sina Ruru at Gabbi Garcia ang tunay na magdyowa at magka-loveteam, kung bakit sobrang daming nagsi-ship sa KyRu loveteam ng dalawa.

At kung pagbabasehan ang mga comment, aba e, hanggang ngayon, talagang kinikilig pa rin sa kanila at ang daming nagwi-wish na sana magtambal silang muli.

Tila nanliliit at nahihiya naman si Kylie sa mga papuri ni Ruru sa kanya.

At agree rin si Kylie sa sinabi ni Ruru na malaking factor sa buhay nila kung ano sila ngayon ang isa’t isa.

Sey ni Ruru, “Malaking factor sa buhay natin ang isa’t isa. We don’t talk on a daily basis, hindi tayo nangangamusta araw-araw. But I know, there’s something between us na malaking factor sa buhay natin ang isa’t isa.

“Kung hindi rin dahil sa ating dalawa, wala rin tayo sa kung nasaan tayo ngayon.”

At hirit pa ni Ruru kay Kylie, “Palagi ‘kong sinasabi sa ‘yo na Kyl, I will always care for you. Kahit na anong mangyari, before hindi ko nasasabi sa‘yo ‘yun, but I know somehow, napapa-feel ko sa‘yo.”

Inspirational daw ang tingin ni Ruru kay Kylie lalo na raw nang nasa peak na ito ng career, biglang may nangyari at inisip ni Kylie na back to zero siya ulit. Pero mas nakita raw niya kung gaano kita kamahal ang craft kaya mas nai-inspire raw siya rito.

Super puri si Ruru kay Kylie na kung ‘di lang namin knows na may Bianca Umali sa buhay niya, e, baka naman ha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.