Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

France nagtala ng 230K virus case sa 1-araw

0 162

Nalalagay ngayon sa panganib ang bansang Pransiya matapos makapagtala ng 232,200 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 na oras.

Dahil sa pinakamataas na nairehistrong kaso ay nagbabala si French President Emmanuel Macron na magiging mahirap ang kanilang sitwasyon sa mga susunod na linggo.

Lumalabas na ang mga bagong impeksyon sa nakalipas na 24-oras ay higit sa 200,000 para sa third day running.

Dahil sa paglobo ng kaso ay nalagay ang France sa mga episentro ng wave ng mga impeksyon na naka-link sa variant ng Omicron na pagapang na sa buong Europe kung saan maging ang traditional na New Year’s Eve fireworks sa Paris ay kinansela dahil sa posibleng pagkukumpulan ng mga tao at malabag ang social distancing.

Maging ang mga gimikan at walwalan sa mga hospitality venue at nightclub ay pansamantalang inawat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.