Una sa Balita

France bronze sa Fiba WC

0 349

Nakasungkit ng podium finish ang France tapos gapiin ang Australia Boomers, 67-59, sa battle-for-third game sa 2019 Fiba World Cup, Linggo ng hapon sa Beijing, China.

Nanguna para sa Frenchmen si dating NBA player Nando de Colo na kumana ng 19 points, 3 assists at 3 steals.

Nakatuwang niya si Orlando Magic shooter Evan Fournier, na may dalawang tres na sinalpak at tumapos ng 16 pts.

Nasayang lang ang 17 markers ni Utah Jazz forward Joe Ingles para sa Australians, nabigong makamedalya sa ika-18 edisyon ng WC. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy