Una sa Balita

Foton tiniris ang UVC sa 4 set

0 370

Mga laro sa Martes:
2:00 p.m. – Petron vs PLDT FIBR
4:15 p.m. – UVC vs Sta. Lucia
7:00 p.m. – Cignal vs F2 ­Logistics

UMAHON sa pagkakalubog sa fourth set ang Foton Tornadoes upang sikwatin ang 26-24, 25-20, 15-25, 25-21 panalo kontra makukulit na United Volleyball Club kagabi sa simula ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sampa agad sa top spot ng team standings ang Tornadoes matapos magtulungan sa opensa sina import Selime Ilyasoglu at locals Maika Ortiz at Ma. Shaya Adorador.

Lubog sa anim na puntos sa fourth frame, 4-10, pero gumapang ang Tornadoes sa pamumuno ni Ilyasoglu na kumana ng back-to-back kills, naitabla sa 11-all bago kumalas sa bandang dulo para tapusin ang laban.

Nakapormang wawalisin ng Foton ang laban pero natisod sila sa third frame kaya nakahirit ng fourth set ang UVC.

Parehong ganado ang Foton at United Volleyball Club, sa first set ay ilang beses nagpalitan ng bentahe kaya na­ging pahirapan para sa dalawang team ang laban.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy