Una sa Balita

Foton Pilipinas tinalupan ang Hong Kong

By
0 7

Mga laro ngayon:
(Alonte Sports Arena)
11:30 am — Japan vs Indonesia
2:00 pm — Vietnam vs Philippines
3:30 pm — Thailand vs North Korea
6:30 pm — Chinese Taipei vs China

Ipinaramdam agad ng Foton Pilipinas ang kanilang lakas matapos walisin sa tatlong sets ang Kwai Tsing of Hong Kong, 25-20, 25-14, 25-10,sa simula ng 2016 AVC Asian Women’s Club Championship kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Nagtulungan sina Jaja Santiago, Jovelyn Gonzaga at Aby Marano upang tulungan ang Tornadoes sa kanilang panalo at lumakas ang tsansa na sumampa sa susunod na phase sa event na inorga­nisa ng Philippine Superliga, Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc.at city government ng Biñan.

Naging impresibo ang laro ni Santiago kahit halatang medyo nagkakapaan pa ang koponan, bumanat ito ng seven kills, four blocks at isang ace para tumapos ng 12 points habang sina Gonzaga at Marano ay may tig-11 at eight hits ayon sa pagkakasunod.

Nanaig din ang Taichung Bank ng Chinese Taipei kontra Malaysia, 25-15, 25-22, 25-21 sa opening match.

“We were shaky at first,” saad ni Gonzaga. “But in the latter part, we got our game back and we pressured them to commit some errors. It was a good game.”

Medyo matamlay sa umpisa ng laban ang Foton naghahabol sila ng apat na puntos sa first technical timeout, 4-8, pero pagbalik sa court biglang umarangkada ang Foton Pilipinas sa at sa pangunguna nina Gonzaga at Marano ay nakuha nila ang set 1.

Kahit nanalo, sinabi ni Foton Pilipinas coach Fabio Menta na kailangan pang doblehin ng Tornadoes ang kanilang laro, lalo kina Gonzaga at Santiago na hindi nakasama ng maglaro ang team sa Bangkok nakaraan.

“We’re still a work in progress. We’re still far from perfect,” ani Menta. “I want the team to play a different level of volleyball. But considering that the team only had worked together for only 20 days and 18 days under a new coach, it’s been great. My grade to the team based on how they performed will not be too high; I’m going to give it seven and a half.”

Si skipper Man Lee Cheung ang namuno sa opensa para sa Hong Kong na may pitong puntos.

Makikilatis ang Foton Pilipinas ngayong alas-dos ng hapon dahil kalaban nila ang  Thongtin Lienvietpost Bank ng Vietnam habang pahinga muna ang Hong Kong.