Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fossil ng dinosaur nahukay sa Argentina

0 81

Para sa mga interesado sa buhay ng mga sinaunang nilalang sa mundo, maituturing na malaking resulta ng pananaliksik ang nadiskubreng fossil ng dinosaur sa Argentina.

Ayon kasi sa mga eksperto, ito ang pinakamatanda at pinakamalaking titanosaur, mga plant-eating dinosaur na may mahabang leeg, na nadiskubre sa buong kasaysayan.

Naniniwala ang mga researcher sa Argentina national scientific council na ang fossilised na titanosaur ay nabuhay 140 milyong taon na ang nakalipas o sa pagsisimula umano ng Cretaceous period, o mga panahon na nabuhay ang mga dinosaur sa mundo.

Ang bagong pagkakadiskubre dito ay nangangahulugan umano na ang mga titanosaur ay nabuhay nang mas mahaba pa sa naunang inaasahan ng mga eksperto.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Pablo Gallina ng National Scientific and Technical Research Council, “The main importance of this fossil, apart from being a new species of titanosaur, is that it is the oldest recorded for this group worldwide.”

Giit pa niya, napakahirap na makuha ang fossil o mga labi o naiwan ng mga prehistoric organism na napreserba sa porma ng pagkakahulma sa bato o shell.

Nabatid pa na ang nasabing lugar kung saan nadiskubre ang titanosaur ay bahagi ng Patagonia region, na kilala sa mga paleontologist o mga nag-aaral ng fossil, bilang lugar para sa kanilang mga pananaliksik dahil sa dami ng fossil na maaaring makita dito.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.