Una sa Balita

#ForMindanao campaign inilunsad sa US Embassy

By
0 1,223
Sa kagustuhang patuloy na makatulong sa mga biktima ng naging krisis sa Marawi, inilunsad ng United States (US) Embassy sa Pilipinas ang kanilang P18.5 milyong ‘#ForMindanao campaign’ na layuning suportahan ang may 37 proyekto sa buong rehiyon ng Mindanao. 
 
Ayon sa US Embassy, mismong mga Filipino alumni ng ‘US-government sponsored exchanges’, partikular ang mga may kasanayan sa pagtugon sa mga pa­ngangailangan ng mga tao sa Marawi at karatig-lugar, ang mangunguna sa kanilang naturang kampanya. 
 
Tatagal umano ang buong kampanya ng isang taon at makakatulong sa 13,500 indibidwal, tulad ng mga ‘out-of-school youth’, mga mag-aaral sa kolehiyo, ‘madrasa students’ at kababaihan ng Mindanao. 
 
Nakasentro ang naturang kampanya sa ‘economic development’, ‘educational enrichment’ at pagtugon sa ‘psycho-social effects’ ng kaguluhan sa Mindanao. 
 
Nalaman na aabot na sa P1 bilyong piso ang inanunsyong ayuda ng gobyerno ng US para sa rehabilitasyon ng Marawi at mga karatig lugar sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).