Una sa Balita

Former No. 1 pick Fultz tinapon ng 76ers sa Magic

By
0 608

BAGO ang NBA trade deadline kahapon, pina­migay ng Los Angeles Clippers si guard Avery Bradley kapalit nina forward JaMychal Green at guard Garrett Temple mula Memphis.

Binitawan (waived) ng Clippers si 12-year veteran Marcin Gortat na naga-average ng 5.0 points at 5.6 rebounds sa 47 games. Nasa unang­ season niya sa Clippers ang 34-anyos na Polish veteran na naglaro din sa Orlando, Phoenix at Washington.

Sinalo ng Sacramento Kings si forward Caleb Swanigan mula Portland Trail Blazers kapalit ni forward Skal Labissiere.

Cash daw ang hininging kapalit ng Boston Celtics para mai-trade si guard Jabari Bird papuntang Atlanta Hawks. Hindi pa nagla­laro sa season si Bird matapos kasuhan dahil sa pananakit sa girlfriend.

Nakatagpo na raw ng bagong tahanan si dating No. 1 overall pick Markelle Fultz, mula Philadelphia 76ers ay tumalon sa Orlando Magic para kay Jonathan Simmons. Naka-33 games lang si Fultz sapul nang kuning top pick overall noong 2017.

Babalik raw ng Atlanta Hawks si Shelvin Mack mula Memphis Grizzlies kapalit ni Tyler Dorsey.

Pinakawalan ng Houston Rockets sina Nik Stauskas at Wade Baldwin papuntang Indiana.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy