Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Foreigner sa Isabela inutas ng COVID

0 145

Todas sa COVID-19 ang isang Pakistani national na matagal ng naninirahan sa Isabela, ayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Ayon kay CVMC medical center chief Dr. Glenn Baggao, isang linggong nasa Isabela Doctors General Hospital (IDGH) ang 53-anyos na banyaga dahil sa pneumonia, diabetes, sakit sa puso, lagnat at ubo.

Noong Sabado ay ini-refer sa CVMC ang pasyente dahil nahirapan na itong I-intubate ngunit kalaunan ay namatay din.
Napag-alaman na ang pasyenteng dayuhan ay matagal nang naninirahan sa Ilagan City, Isabela kung saan siya nakapangasawa.

Ayon sa CVMC, wala umanong travel history ang pasyente at tanging ang pagsundo sa kanyang asawa na nagtitinda sa public market ng Ilagan ang ginagawa nito kung kaya’t kasalukuyan pang inaalam kung paano nahawaan ng nakamamatay na virus ang pasyente. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.