Una sa Balita

Foreigner na expert sa ATM cloning itinumba

By
0 6

Matapos maaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Bulgarian national na umano’y eksperto sa pagko-clone ng mga automated teller machine (ATM) noong June 14, 2017 at makalaya matapos makapagpiyansa ay pinagbabaril naman ito hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang riding-in-tandem criminals sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Orlin Grozdanov Stoev, 38, single, at pansa­mantalang naninirahan sa Unit 1003 Wilshire Annapolis Plaza, Greenhills, San Juan City. Si Stoev ay naka-short pants, t-shirt, blue na jacket, at may tattoo sa dibdib at balikat.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), nangyari ang krimen alas-10:20 ng gabi habang binabagtas ni Stoev ang Kalayaan Avenue, QC sakay ng kanyang motorsiklo nang pagdating sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan, QC ay bigla na lang umanong dinikitan ng tandem at pinagbabaril hanggang sa bumulagta.

Matatandaang noong June 14 ay iprinisinta pa ni QCPD Director Chief /Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar si Stoev matapos maaresto dakong ala-una ng madaling-araw sa isang bangko sa Kitanlad St., Brgy. Tatalon, QC.