Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Foreign investor papatay sa oligarko – Robin

0 102

Panahon na para amiyendahan ang economic provision ng 1987 Constitution para mas makahikayat ng maraming dayuhang mamumuhan sa bansa, ayon kay Senator-elect Robin Padilla.

Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Padila na kung pagagaanin ang ilang economic restriction sa Pilipinas, makakatulong ito para makahabol ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga karatig na bansa sa Asya.

Ayon kay Padilla, tanging mga oligarko lang ang nakikinabang ang “60-40” ownership rule na nakapaloob sa Saligang Batas.

“Oras na para tanggapin na natin itong ating mga foreign investment. Papasukin na natin sila at gawin nating fair. Sumobra na. Masyado ng yumaman ang ating mga local oligarch. Paabutin naman natin ‘yong yaman doon sa mga tao sa baba,” sabi ni Padilla.

Ginawa ni Padilla ang pahayag kasunod ng pagkuwestiyon nina presidential spokesperson Edwin Lacierda at outgoing Senator Franklin Drilon sa kanyang panukala na baguhin ang Konstitusyon.

Sa tweet ni Lacierda noong Huwebes, sinabi nitong mas mainam na itulak na lang ang simpleng mga panukalang batas para matugunan ang iba’t ibang isyu sa bansa sa halip na isulong ang economic charter change.

Dagdag pa ni Lacierda, masyadong matagal at magastos na proseso ang pag-amiyenda ng Saligang Batas.

Samantala, sinabi naman ni Drilon noong Biyernes na prayoridad ang mga senior o beteranong senador sa paghawak ng malalaking komite sa Senado.

Nauna nang nagpahiwatig si Padila na nais niyang pamunuan ang Senate Committee on Constitutional Amendments.

Nadismaya si Padilla kina Lacierda at Drilon sa pagpuna nila sa kanya kaugnay ng panukala niyang amiyendahan ang Konstitusyon.

“Ngayon na panahon na namin na kami ang pinagkatiwalaan ng mga tao, eh kami ang a-advise-san ninyo. Hindi tama iyan,” ani Padilla.

“You had your time. It;’s our time, ‘di ba (isn’t it)? Subukan n’yo naman ‘yong mga sinasabi namin,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.