Una sa Balita

Ford Ranger ng Maynila ginamit sa beer delivery, bistado ni Moreno

0 620

Pinabawi ni Manila Mayor Isko Moreno sa Office of Administrator ang service vehicle na Ford Ranger matapos na madiskubreng ginamit ito sa pagdi-deliver ng mga beer.

Ayon kay Moreno, isang netizen­ ang nagpadala sa kanya ng video, kaugnay sa isang sasakyan na Ford Ranger na kulay pula ang plaka na naka-assign sa City Office of Adminis­trator na nakitang ginamit sa pag-deliver ng mga beer.

“Okay lang sana kung pang public purpose, pero kung hindi ‘di dapat ginagamit ang government resources para sa pansariling interes,” ayon kay Moreno.

Pinaiimbestigahan na umano ni Moreno kung kanino naka-issue ang nabanggit na sasakyan .

Aalamin rin ni Moreno kung empleyado ng city hall ang driver nang inireklamong truck.

Tiniyak ni Moreno na hindi niya palulusutin kahit na malaking tao pa ang involve sa paggamit ng government vehicle sa pansariling interes.

“Ipinagpapasalamat ko sa mga netizen ang pagpapadala ng mga reklamong ganito dapat umano na maging aral sa lahat na hindi dapat gamitin ang resources ng gobyerno sa pansarili,” ayon kay Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy