Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Forbes Park mansion ni Pacquiao bagsak presyo na!

0 147

Binibenta na ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang bahay sa sikat na Forbes Park sa Makati City sa halagang $21.5 milyon o mahigit ng konti sa P1 bilyon.

Ayon sa JamesEdition.com kung saan binibenta ang mansyon ni Pacquiao sa Forbes, ang bahay ay may tatlong palapag, limang banyo at limang kuwarto. Nasa 1,525 square meters ang sakop nitong lupa at kasya ang 10 sasakyan sa garahe nito.

Nasa P1 bilyon din ang bili ni Pacquiao sa mansion sa Forbes ngunit ginastusan pa nilang mag-asawa ito dahil ni-renovate pa ito ng asawang si Jinkee at binaklas ang mga inilagay ng naunang may-ari.

Binili ni Pacquiao ang bahay kay Lorenzo Tan, ang dating presidente ng RCBC.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Roy Golez ng Leechiu Property Consultants, noong isang buwan pa sinimulang ibenta ang mansion ni Pacquiao sa Forbes sa halagang P2 bil­yon.

Paliwanag niya, kaunti lang ang property na binibenta sa lugar na iyon at maari namang makabenta ng hindi nagbabagsak ng presyo maliban na lang kung atat na bitawan ng nagbebenta ang pro­perty.

Dahil bawal bumili ang mga dayuhan ng lupa sa Pilipinas, mga Pinoy lamang ang mabebentahan nito o ‘di kaya’y ibang pamahalaan na kailangan ng lugar para sa embassy nila sa Pilipinas. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.