Una sa Balita

Forbes nanganganib masibak

By
0 2,131

SOLIDO ang debut ni Adrian Forbes sa PBA Commissioner’s Cup, pero may kulang sa laro nito na hinahanap ni NLEX coach Yeng Guiao.

Sa Antipolo nitong Sabado, pasiklab si Forbes ng 26 points, 17 rebounds at five blocks kontra four turnovers sa kulang 41 minutes. Nilampaso ng Columbian Dyip ang Road Warriors, 123-103.

Kaya lang, puro tutok o kaya ay sa ilalim ang 10 na naipasok niya mula sa 16 na attempt, at 6-for-10 lang sa free throws.

Wala siyang peri­meter shot, o nag-aalangang tumira sa labas, ayon kay Guiao na aminadong bias sa imports na may outside shot.

“I think he’s a great inside player. But when he steps out, I don’t think he has the confidence to take perimeter shots,” puna ni Guiao.

Kung sa loob lang ang laro ni Forbes at matabang ang free throw shooting, mas malamang na ipa-foul na lang siya ng kalaban para mapuwersang paghirapan ang puntos sa stripe. Delikado sa NLEX ‘yun sa mga dikdikang laro.
Tuloy, pinag-iisipan ni Guiao kung magpapalit na sila ng reinforcement.

Available na raw ang original choice nilang si Arnett Moultrie na naba­litang pinakawalan na ng team sa Bahrain.
“He (Moultrie) is still a prime option since he has indicated that he’s available,” dagdag ng coach.

Sa Miyerkoles, mu­ling sasalang ang Road Warriors kontra Rain or Shine, sa mga susunod na araw ay magdedesisyon si Guiao at staff niya kung itutuloy si Forbes of tatawagin na si Moultrie. (Vladi Eduarte)