Una sa Balita

Forbes hero Angel to-the-rescue sa Samar

0 483

Darna in action na naman ang aktres na si Angel Locsin para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong “Tisoy”. Spotted siya sa Catarman, Northern Samar nitong Sabado, Disyembre 7.

No wonder kung bakit napabilang ito sa listahan ng “Asia’s 2019 Heroes of Philanthropy” ng Forbes kamakailan.

Ibinahagi nga ‘yan sa official FB account ng isang media company sa Tacloban na kaagad umabot sa libo-libong likes, shares at reaksyon sa mga fan.

Tila mas lalo pa ngang na-motivate na tumulong ang aktres dahil sa pagkaka-recognize sa kanya ng Forbes.

Ang iba nga ay mas nabubuhayan ng loob sa kabutihang ipinapakita ng aktres. Minsan kasi, akala ng mga tao ay mas dominante ang mga masasama kaysa sa mabubuti.

Pero patunay nga si Angel na mayroon pa ring taong may busilak na puso gaya niya na handang magbahagi ng blessings sa mga nangangailangan. Sana all talaga ay may kasing buti ng kalooban ng aktres. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More