Una sa Balita

Food supplement na ibinebenta sa social media delikado

0 73

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng isang brand ng food supplement na pino-promote sa social media.

Sa limang pahinang advisory na pirmado ni FDA Director General Nela Charade Puno, partikular na nagbabala ang ahensya laban sa Meico Pinus Pine Enzogenol na hindi rehistrado sa FDA.

Batay sa label ng nasabing food supplement, isa umano itong “full spectrum anti-oxidant” na nakapagpapabata ng itsura at nakapagpapahusay ng brain function at mainam sa puso.

Ibinebenta ito nang nakalagay sa kapsula pero babala ng FDA, dahil hindi rehistrado ang produkto ay hindi magagarantiyahan ang kalidad at kaligtasan nito.

“The consumption of such violative products may pose potential health hazards to the consuming public. Food products including food supplements should not bear any misleading, deceptive, and false claims in their labels and/or any promotional materials that will provide erroneous impression on products’ character or identity,” ayon sa FDA advisory.

Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na huwag bilhin ang produkto, at kung may impormasyon kaugnay sa pagbebenta at distribusyon nito ay agad na iulat sa FDA sa pamamagitan ng hotline ng Center for Food Regulation and Research (02) 857 1900 local 8115 at 8112.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy