Una sa Balita

Food driver agrabyado sa Grab

0 296

MAGHAHAIN ng reso­lusyon si Senador Win Gatchalian para maimbestigahan ang ginawang panloloko diumano ng isang bu­yer sa Grab food driver na napilitang magbenta ng 14 bote ng milk tea sa isang mall sa Pasay City upang mabawi ang lugi sa hindi nagpakitang buyer.

“Sino naman itong bogus na nag-order, mahiya naman kayo. Babalikan din kayo ng malas niyan.” diin ng senador sa pinost nito sa kanyang official Twitter account.

Binanatan din ng senador ang Grab Philippines kung bakit nila hinayaaan ang mga driver na siyang umako sa gastos kapag hindi sinipot ng buyer.
“Grab should also prevent this from happening. Unfair ito sa mga maliliit na delivery drivers natin,” litanya ng senador.

“Kawawang sobra mga delivery drivers Bro. Dapat Grab ang mag take the risk, hindi yon mga mahihirap na delivery boys. Puro hugas kamay na lang ang Grab,” sagot ni Gatcha­lian sa isang bumanat din si Grab.

Ayon kay Gatchalian,­ maghahain din siya ng panukalang batas upang saluhin ng Grab Philippines ang lugi ng mga driver mula sa mga kinanselang order.

Dapat umanong magkaroon ng maayos na guideline ang Grab para maiwasan ang ganitong uri ng panloloko.

“I file a resolution to investigate and a bill to transfer risk to Grab. Grab should advance the money (instead of drivers­ advancing money),”­ saad ng senador.

Sabi pa nito, dapat din umanong i-validate muna ng Grab kung totoo ang mga buyer bago arprubahan ang order bukod sa dapat pairalan din ang paggamit ng cashless payment tulad ng credit card.

“Grab should validate the legitimacy of the buyer (McDo needs a legitimate landline to validate). Grab should encourage cashless payments,” dagdag pa nito.

Sa hiwalay na tweet naman, nagpahayag din ng pagkadismaya si da­ting Senador JV Ejercito sa mga taong nanloloko sa mga Grab, LalaMove at Food Panda rider.

“Sa mga nag-oorder at nanloloko sa Grab, LalaMove at Food Panda, mahiya naman kayo!” sabi ni Ejercito na isa ring motorcycle rider.

Napakahirap ang mag-deliver ng naka-motor! Alam ko yan bilang isang rider. Yung kaunti nilang puhunan pambayad sa food order ay malaking bagay para sa kanilang pamilya. Wala kayong konsensiya!” dagdag pa nito.

Matatandaan na nag-viral noong Huwebes sa social media ang pag-post ng isang Krizia De Lara tungkol sa kaawa-awang Grab food driver matapos indyanin ng isang buyer na um-order nang 14 bote ng milk tea sa isang mall sa Pasay City.

Sa kuwento ni De Lara, lumapit sa kanila ang driver at inalok sila ng milk tea na dapat ihahatid sana sa isang hotel sa Parañaque City ngunit no-show ang hindi pinangalanang buyer.

Nasa P1,900 ang pangkalahatang halaga ng milktea, at binenta umano ito ng driver sa mas mababang halaga­ para lang mabawi ang gastos. (Dindo ­Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy