Una sa Balita

Food chain ginagamit sa bentahan ng droga

By
0 152

DATI nang sumuko sa tokhang ang isa sa dalawang suspek na inaresto ng Gen. Trias Cavite Police Station sa buy-bust operation pasado alas-otso kagabi, habang ang isa naman ay rumaraket sa pagbebenta ng shabu.

Ang estilo ng mga suspek na sina Jerwin Zamora alyas ‘Apoy’, at Rojim Javier, ay makikipagtransaksyon sa pamamagitan ng cellphone habang nakatambay sa mga food chain kung saan sila makikipagkita sa mga parokyano.

Sa malas, natapat sila sa poseur buyer kaya’t tuluyan silang naaresto sa sa Brgy. Pasong Kawayan 1, lungsod ng Gen. Trias Cavite, sa labas ng hindi pinangalanang food chain

Narekober sa dalawang suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P130,000, P900 na drug profit at P1,000 buy-bust money.