Una sa Balita

FOI pipirmahan bago ang SONA

0 4

Bago ang paghahatid ng State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 25, 2016, pipirmahan na nito ang executive order para sa Freedom of Information bill.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar nitong Biyernes kasabay ng pagsasabing nasa lamesa na ng pangulo ang EO.

“Due to the constant and insistent demand… I have decided to hurry up the process I have decided to hurry up the process. I have the copy now of the draft and this is the one with executive order on the Freedom of Information,” anang pangulo sa unang linggo ng kanyang pamumuno.

“Operationalizing in the executive branch the people’s constitutional right to information and the state of policies of full public disclosure and transparency in public service and providing guidelines therefore,” pagbabahagi pa ni Duterte sa nilalaman ng draft. “Now first I would like to remind everybody I can only bind the executive department, my branch of government. I cannot mind the other two, the judiciary and Congress because of the separation of power.”

Kinikilala ng Article III, section 7 ng 1987 Constitution ang karapatan ng publiko sa impormasyon – ang pagbubukas sa mga mamamayan ng mga pampublikong dokumento.

“Access to official records, and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law,” ayon sa probisyon.