Focus: FDA

By

Sa Lunes ay muling bubuksan ni Sen. ­Richard Gordon ang pagdinig publiko kaugnay ng pagbakuna ng Dengvaxia sa mga batang Filipino.

Naniniwala si Gordon na ginawang guinea pig ng nakaraang Aquino Administration at kumpanyang Sanofi ang mga batang Filipino nang wala pang pinal na pag-aaral sa epek­to ng Dengvaxia.

Humigit-kumulang sa 3 bilyong piso ang inilaan para rito ni dating Pangulong Noynoy. Nabatid pa na ang naturang pondo ay wala sa General Appropriations Act (GAA) noong panahong iyon.

Bahagi ng inquiry kung bakit tila minadali ang naturang programa ay kung may kinalaman sa fund raising para sa papalapit na eleksyon 2016.

Pero mabuti ring mabusisi ni Gordon kung dapat managot ang dating pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang Dengvaxia ay produkto ng Sanofi pero ang kumpanyang ­Zuellig ang distributor sa ­Pilipinas.

Ngayon, binigyan ng approval ng FDA na magamit ang Dengvaxia sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Kenneth Hartigan Go.

Si Go ay kasalukuyang isa sa mga malalaking opisyal ng Zuellig.

Baka may maibigay na mahalagang impormasyon si Go at kung ano ang pinagbatayan ng pagsusuri ng FDA sa Dengvaxia para payagan ito sa Pilipinas.

Lord, Kayo na po ang bahala.


***

BALITAWIT

Sa tono ng ­awiting PAG-IBIG ng APO ­Hiking Society.

No’ng tangan ni Noynoy
Ang munti mong mga braso
Lahat tuwang-tuwa, 
Panatag ang loob
Sa bakuna na kay ­mahal mahal

No’ng isang araw, Denguevaxia ay nabuking
Umapaw ang mga puna
Nagturuan sila…
Mula kay Ona, Garin at Ubial nga!!!

REFRAIN:
Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Bakuna ay pinilit ­talaga!!
At ‘di ko malimutan kung kailan na tinurok…
Ang una ay sa China,
Sumunod sa Paris pa,
P3 bilyong piso sa kampanya

No’ng tayo’y nagka­kilala nang hindi sinasadya..
Sanofi nagpapansin
Nahuli sa isang tingin
At nabola na si Sec. Garin…

(REPEAT REFRAIN)

SHARE