Una sa Balita

Floyd uupak sa China

0 342

PAGKATAPOS ng exhibition fight niya Japan kontra kickboxing sensation Tenshin Nasukawa noong nakaraang New Year’s eve, balitang sa bansang China naman sunod na makikipagsuntukan si retired undefeated American boxing champion Floyd Mayweather, Jr.

Sa ulat ng South China Morning Post, nakaline-up umano si former five division world champion Mayweather, 42-anyos, sa isa na namang exhibition bout.

Noong nagdaang New Year’s eve, walang kahirap-hirap na kumita si Floyd ng $9 million nang pabagsakin sa loob ng ng 136 segundo si Nasukawa.

Magkakaroon ng press conference sa Setyembre 18 sa China kaugnay sa nilulutong promo fight ang Mission Hills Group.

Nagretiro si Mayweather noong Agosto 2017 matapos i-KO si UFC superstar Conor McGregor sa 10th round sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Sinasabing sa 2020 isasagawa ang exhibition fight.

“The press conference will announce that Mayweather will hold a boxing match in China next year. We have already got the Hainan government’s temporary approval for this event. But everything needs to be confirmed with Floyd as well. The details are not 100 percent confirmed yet. We are in the process of negotiating details with Mayweather’s management,” ayon sa statement ng mga organizer. (Ferdz Delos Santos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy