Una sa Balita

Floyd nangangatog kay Pacquiao — Roach

0 519

TINGIN ni American trainer Freddie Roach, isa lang ang dahilan kung bakit alanganing bumalik sa boxing ring si Floyd Mayweather, Jr. upang kalabanin sa rematch si World Boxing Association (WBA) welterweight ruler Manny Pacquiao.

Nangangatog itong makaharap muli ang ‘Pambansang Kamao’.

“I think Manny scared him a little with that performance,” diretsang wika ni Roach nang tanungin bakit ayaw pumayag ni Floyd sa rematch kay Manny.

Kagagaling lang ni Pacquiao sa 12-round split decision win kontra American Keith Thurman nitong July 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas upang agawin ang WBA 147-pound belt at ayon pa kay Roach, nakita ni Floyd na may kalalagyan siya ngayon kay Pacquiao kung matutuloy ang kanilang rematch.

“I’m not sure. Mayweather seems to be a little evasive,” kuwento pa ni Roach.

Taong 2015 nang magtagpo sa ibabaw ng parisukat na lona sina Pacquiao at M­ayweather sa tinaguriang ‘Fight of the Century’ kung saan ay nanalo ang Kano via unanimous decision. (Ferdz Delos Santos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy