Una sa Balita

Floyd magaling lamang ‘pag datung ang usapan

0 1,769

Sabi ni Floyd Mayweather, Jr., “I am The Best Ever (TBE).”

Pero binara siya ni Roy Jones, Jr. na wala aniya si Mayweather sa kalingkingan niya.

Deretsahang kinomento ito ng 49-anyos na former world champion nang hingan ng opinyon sa deklarasyon ni Mayweather na siya ang pinakamagaling na boksingero.

“Floyd Mayweather was TBE at making money, but look at his highlights and look at mine. You can’t pretend it’s the same. You can’t pretend there’s ever been anyone come close to doing what I did. Nobody you could name could touch me – and I’m talking about nobody who’s around now, nobody who was around in my prime, and nobody who was around any time you can mention outta your mouth,” litanya ni Jones.

Nakatakdang sumalang sa kanyang pinaleng umbagan ang former four-division champion na si Jones (65-9, 47KOs) sa cruiserweight showdown kay Scott Sigmon (30-11-1, 16KOs) sa Pensacola, Florida ngayong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas).

At tingin nito, hindi hamak na mas ‘makulay’ ang kanyang boxing career kumpara kay Floyd, may malinis na 50-0 kartada kabilang ang 27 knockouts.

“In my prime, I was the ruler. Simple as that. I understand there’s a lot of great fighters who’ve followed me already since I was the champ – and I hope there’s another who comes along does even better because want to see that – but I haven’t seen anyone do what I did yet. I haven’t seen anyone turn pro at 154lbs and win the heavyweight championship of the world,” panapos ni Jones. (Ferdz delos Santos)