Una sa Balita

Floyd binayaran ng P115M sa viral video

0 427

IBINULGAR ni undefeated retired American champion Floyd Mayweather, Jr. na binayaran siya ng US$2.2 million o katumbas ng P115 milyon para gawin ang kontrobersyal na video patungkol sa nilulutong rematch daw nila ni WBA welterweight kingpin Manny ‘The Pacman’ Pacquiao.

“I got paid $2,200,000 to make the video,” sambit ni Mayweather sa kanyang Instagram post. Inamin din nitong ang kumakalat na video ay luma na at ginawa niya noon pang nakalipas na walong buwan at ang laban ay hindi naman magaganap.

“There is a video circulating that I made eight months ago about a Mayweather vs Pacquiao rematch. The truth is, the fight will never happen again.”

Kumalat sa socmed ang nasabing video na pupunta daw sa Saudi Arabia si ‘The Money’ para sa deal sa bakbakan nilang muli ng fighting senator.

“Now, look at the money that got wired to me for the video. Who’s the smart one? I’m making millions just for 10 second video drops.” dagdag at pang-aasar pa nito. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy