Una sa Balita

Floyd ayaw paasahin si Pacquiao

0 399

AYAW nang paasahin ni Floyd Mayweather, Jr. si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao tungkol sa maaring rematch nilang dalawa.

Sa pagdalaw ni Mayweather sa bansa nitong nagdaang linggo, nagsalita na ang retired undefeated champion sa mga usap-usapan sa maari nilang paghaharap muli ni eight-division world champion Pacquiao.

“We had a great fight. And we both had great careers. We moved on and do other things in life. I’m an entrepreneur. I don’t just box inside the ring,” sabi ni ‘The Money’ sa balitang lumabas sa worldboxingnews.net.

“I had a fun time while I was fighting, great time. But you know, I do so many other things. I’m a chameleon.”

Dahil sa tila pambibitin ni Mayweather, nagsimula na ring maghanap ang kampo ng fighting senator ng pwede nitong makaharap sa mga susunod na buwan.

Tatlong may karanasang welterweight ang nagmistulang back-up ngayong tinuldukan na ni Mayweather ang posibilidad ng rematch kontra ‘Pacman’.

Ang unang nasa listahan ay si World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight title holder Keith Thurman; ang pangalawa ay si dating two-weight ruler Danny Garcia at si World Boxing Council (WBC) champion Shawn Porter. (Fergus E. Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More