Una sa Balita

‘Flower’ ni Maja, naka-all-time high!

0 8

Excited na ang fans sa pagbabalik ng karakter ni Vin Abrenica na si Jepoy at ang pagpasok ng magpapanggap na Lily Cruz na si Yen Santos sa Wildflower dahil pagbubukas pa lang ng linggo kung kailan inaasahan silang mapanood ay pumalo na agad ang programa sa panibago nitong all-time high rating.

Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (July 3), nakakuha ang Wildflower ng national TV rating na 25.8% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa 15.8% ng kalabang programa.

Ano kaya ang susunod na mga kaganapan sa pagbabalik ni Jepoy? Paano mababago ang laro sa paglitaw ng pekeng Ivy Aguas?

Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.