Una sa Balita

Florida shopping center sumabog; 23 sugatan

0 242

DALAWAMPU’T tatlong katao ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang shopping center sa South Florida City of Plantation kahapon.

Nawasak ang buong gusali na sinasabing nag-ugat sa gas explosion, ayon sa inisyal na ulat ng mga Plantation Fire official.

Natunton naman agad ang lahat ng biktima ng pagsabog at kasalukuyan nang ginagamot sa ospital.

Kabilang sa mga nadale ay isang bata at 22 iba pa kung saan ang dalawa ay nagtamo ng matinding pinsala.

Nangyari ang pagsabog sa isang kanto ng mall complex kung saan ay may dalawang gusali.

Ayon sa ilang nakasaksi sa pangyayari, noong una ay nagkaroon umano ng pagsabog na inakala nilang kulog at natauhan na lamang sila nang makaramdam ng pag-uga ng gusali at nang silipin ang labas ay wasak na ang shopping center.

Bagama’t sinisilip ang anggulong gas explosion ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tunay na sanhi ng trahedya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy