Una sa Balita

Flop ng player OK kay Kume

0 242

WELCOME para kay PBA commissioner Willie Marcial ang players na gawaing mag-flop, umaarte kapag nasagi para makabingwit ng foul mula sa opposing team.

Katwiran ni Kume, dumadami ang nagpa-flop ay mas maraming maiipon ang PBA mula sa mga multa.

Basta handa silang magbayad.

“Maganda ‘yan. Mas marami kaming matutulu­ngan darami mga multa,” ani Marcial kahapon.

Bawat flop ay may penalty na P3,000. Nadodoble ang multa sa bawat kasunod na infraction – ang pa­ngalawang flop ay magiging P6,000, P12,000 sa pa­ngatlo at dodoble sa pang-apat.

Ilalagak ang mga naipong multa sa PBA Players’ Trust Fund na inilaan pantulong sa mga retired o disabled players.

“Basta sinasabihan namin silang lahat before the start of each season, and we keep on reminding them na hindi p’wede flopping,” dagdag ng PBA top honcho. “Sa mga matitigas ang ulo, thank you na rin.” (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy