Una sa Balita

Floirendo, hindi kakalas kay Duterte

By
0 100

Hindi iiwan ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo si Pangulong Duterte sa kabila ng mga ginagawa umano ng mga kaalyado ng administrasyon laban sa kanya at sa kumpanya ng kanyang pamilya.

Ito ang tiniyak ni Floirendo sa kanyang statement kasunod ng pagkakasibak sa kanya bilang miyembro ng Commission on Appointment (CA) at pina-iimbestigahan sa Joint Venture Agreement sa pagitan ng kanilang kumpanyang Tagum Agricultura Development Co (TADECo) at Bureau of Correction (BuCor).

“As I continue to serve my people, I also continue to throw my support to the administration of President Rodrigo Duterte. Positions may come and go but my brotherly love for Digong remains forever. He is family. And family sticks together till the end,” ani Floirendo.

Si Floirendo ang isa may pinakamalaking campaign donor sa kandidatura ni Duterte noong 2016 presidential election.

Habang si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na nakaka-girian naman ni Floirendo kapartido ng Pangulo sa PDP-Laban.

Noong Lunes ng gabi pormal na tinanggal ni Alvarez si Floirendo bilang kinatawan ng PDP-Laban sa CA at pinalitan ito ng bagong lipat sa partido na si Isabela Rep. Rodito Albano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy