Una sa Balita

Flock o Single Mating, ano ang mas mainam?

0 220

MAY mga bigtime at smalltime breeder kaya naman paniguradong magkaiba ang kanillang gusto sa pagpapalahi ng manok.

Nais ng iba ang Flock Mating style, meron ding Single Mating ang ibig nilang gamitin.

Ano ba ang mas mainam sa dalawa?

Depende sa gusto ng breeder, kapag nais nilang maraming sisiw ang mapalabas ay Flock Mating ang istilo ng kanilang pagpapalahi.

Ang iba gusto ay Single Mating, katwiran nila mas maraming lalaking sisiw na lalabas kumpara sa Flock Mating.

Kapag babad ang tandang sa mga inahin ay walang tigil itong sumasampa kaya konting semilya ang naipapasok dahilan para mas maging lamang o 75 porsiyento ng sisiw ay mga babae.

Ayon kay Gerry Lucban na taga-Lucena at 14 taon na rin na nagpapalahi, mainam kung sabik ang tandang na sumampa para kumasta upang maipon ang semilya at mas maraming lalabas na lalakeng sisiw.

“Gusto ko mas maraming lalake ang lumabas kasi nagbebenta ako ng manok kaya Single Mating lang ako,” saad ni Lucban. “Yun kasi ang napapansin ko sa Single Mating.

Karamihan sa napagtanungan ng Abante ay Single Mating ang nais nila sa pagbi-breed.

“Yung iba maramihang sisiw ang gusto kaya sa Flock Mating ang istilo nila.

Kanya-kanyang istilo at dahilan ang mga breeder kaya kung may backyard kayo at business ninyo ay magbenta ng manok ay mas mainam na Single Mating ang inyong gawin sa pagpapalahi dahil 70% ng mga buyer ay mga tandang ang binibili,” panapos ni Lucban. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy