Una sa Balita

Floater ni Celda nagpanalo sa Dyip

0 322

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — TNT vs Blackwater
6:45pm — Magnolia vs Ginebra

NANATILING buhay ang tsansa ng Columbian Dyip Sabado ng gabi matapos nitong gulantangin ang Phoenix Pulse Fuelmasters 100-98 sa eliminasyon ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.

Isang floater ni Reden Celda sa natitirang 9.3 segundo matapos ang matinding blangka ni Glenn Khobuntin ang nagbigay ng pagkakataon sa Columbian na maiangat ang kabuuang record nito sa 3-7 panalo-talo at mapanatili ang napakaliit na tsansa na makaagaw ng playoff para sa huling apat na puwesto sa quarterfinals.

“Ito lang ang natitirang chance namin kaya pinilit namin manalo,” sabi ni 2018 top rookie pick CJ Perez na tinaghal na Best Player of the Game. “We give credit kay Glen at Reden sa effort nila. Hindi ko iniisip ngayon ang Rookie of the Year award. Mas gusto ko lang maipanalo ang team at maibalik ang winning culture.”

Nagtala si Perez ng 18 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals habang nag-ambag naman ang import nito na si Lester Prosper ng 25 puntos, 21 rebounds, tatlong assists, isang steal at dalawang blocks. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy