Una sa Balita

Flight sa Taiwan tigil na

0 411

TINIGIL muna ng Phi­lippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific Air (CEB) ang kanilang mga biyahe patungong Taiwan.

Sa isang statement na inisyu bandang alas-10:00 kamakalawa nang gabi, sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na kanselado na ang mga flight patungo at pabalik mula sa Taipei.

“We advise passengers with flights to and from Taiwan from February 11 onwards to await the lifting of the ban. If your flight was cancelled, you may refund your ticket at anytime, with refund fees waived. Once the travel ban is lifted and we reinstate our flights, you may rebook, reroute or refund your ticket within your ticket’s validity period, with rebooking, rerouting or refund fees waived,” ani Villaluna.

Ayon naman kay Charo Logarta Laga­mon, tagapagsalita ng CEB, pinagbigay alam na nila sa mga apek­tadong pasahero ang kanselasyon ng flight bunsod ng pinalawak na travel ban.

Inanunsyo rin kahapon ng AirAsia ang pagtigil ng kanilang biyahe sa Taiwan.
Ang unang sakop ng travel ban ay ang mainland China, Macau at Hong Kong pero dahil sa sinusunod na One-China policy, sinakop na rin sa ban ang Taiwan.

Ang travel ban ay pansamantala lamang habang hindi pa humuhupa ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus na ikinamatay na ng higit 1,000 katao sa China. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More