Una sa Balita

Flashflood, landslides kay ‘Carina’, ibinabala

By
0 3

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Eastern Samar at pinangalanan itong ‘Carina’.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na iwasan muna ang maglayag sa Eastern seaboards ng Luzon at Visayas dahil sa malakas na hangin na magdudulot ng malalaking alon.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang tropical depression Carina sa 195 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers kada oras at kumikilos sa bilis na 11 kilometers kada oras sa direksyong Northwest.

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Carina ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at CARAGA region na maaaring magdulot ng flashflood at landslides.