Una sa Balita

Fixer sa LTO pakalat-kalat sa Tayuman

0 366

Dear Abante,

Magandang araw sa inyong lahat… ako’y sumulat sa aking nakita kahapon nang umaga habang kumakain ako ng hotdog sa Tayuman 7-Eleven sa tapat ng dating ­LTO-Tayuman na ngayon ay lumipat na Fugoso St. pero ang mga fixer ay parang naiwan sa Tayuman.

Marami pa rin sila roon, may mga makinilya, nakaabang sa magkabilaang kanto ng kalsada, pag may dadaang ­nakamotor ay tinatanong kaagad nila kung ­magpaparehistro o magpapalisensya. At ang malupit pa sa nakita ko ay may dalawang rider na mag-aaply ng lisensya at binigyan nila ng reviewer ng exam for license at sa loob ng 7-Eleven sila nagre-review, at may mga bilog na ang tamang sagot, parang ime-memorize mo na lang.

Nagtataka lang ako bakit hindi sila nahuhuli ng mga awtoridad samantala ay lantaran kung sila ay gumalaw sa kanilang mga iligal na gawain. Ang kanilang inaalok na insurance ay nasa P600 samantala ay P300 lang sa ligal na insurance company.

Nakakainis lang kasi, ako dumaan ako sa ligal at pumila ng napakaba sa loob ng isang araw at nag-eview sa loob ng isang buwan samantala itong mga fixer at nagbabayad sa fixer nagma-magic lang ng lisensya, kaya maraming kamote rider at disgrasya sa daan dahil sa mga iligal na ito.
Sana ay aksiyunan ito ng pamahalaan ng Maynila, MTPB at kapulisan. Salamat po!

Bega Pors ng Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More