Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Fixer na may Duterte selfie, saksakin

0 119

PARA matigil ang panloloko at raket ng mga fixer at nagpapanggap na may mga kakilala sa gobyerno kapalit ang pera, pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima na saksakin na lamang ang mga ito.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Presidente na maraming mga nagpapa-picture sa kanila noong panahon ng kampanya at ginagamit ang mga ito para sabihing malakas sila sa administrasyon at madaling makakuha ng kontrata sa mga ahensiya ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat magpaloko ang publiko sa mga ganitong klaseng tao kaya pinayuhan ang mga naloko na saksakin ang mga ito.

“Iyong mga tao na sabihin nila lalakarin nila tapos magbigay kayo ng pera, purnada kayo kay hindi man totoo. Saksakin na lang ninyo. Huwag mong barilin kasi maingay, madali kang mahuli. Saksakin na lang ninyo,” anang Pangulo.

Ang mga ganitong tao ayon sa Presidente ay mga linta, at mga parasite na ang taget ay yaong mga madaling malolokong kapwa.

Dahil dito inatasan ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis na hulihin ang mga fixer at nanloloko at bago dalhin sa korte ay idaan muna sa kanyang tanggapan.

“Ang NBI may nahuhuli araw-araw. Para matapos na ito, lahat ng mahuli ninyo dalhin sa opisina ko. Gusto ko silang makausap bakit ganyan ang hanapbuhay nila kasi lokohan eh,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.