Una sa Balita

Fish vendor na may bilao sa ulo at nakamotor hinangaan sa abilidad

0 757

Marami ang bumilib sa isang la­laki sa Legazpi City sa kakaibang estilo ng paglalako ng isda.

Imbes kasi na maglakad, nakasakay ng motorsiklo ang tinderong si Rafael Dagta ng Brgy. Bagacy.

Ang kakaiba sa paraan ng kanyang pagtitinda, nakalagay sa bilao ang mga isda at nakapatong sa kanyang ulo habang umaandar ang motorsiklo.

Ayon sa 45-anyos na si Dagta, limang taon na raw niya itong ginagawa at naging viral lamang sa social media matapos ibidyo ito ni Jun Alegre noong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Dagta na kung maglalakad lamang siya, aabutin siya ng tanghali bago maikot ang isang barangay. Pero simula nang gumamit siya ng motorsiklo, mabilis ang paglalako niya kaya’t maagang nauubos ang paninda.

Nasanay na raw siya sa pag­lalagay ng bilao sa ulo habang umaandar ang motorsiklo at hindi pa niya naranasan na matapon ang kanyang paninda.

Nabatid na sampu ang anak ni Dagta dahil sa walang trabaho ang kanyang asawa kaya’t kinailangan nitong magdoble kayod sa hanapbuhay.

Bilib din ang Land Transportation Office (LTO) sa estilo ng paglalako ni Dagta, pero mas mabuti umanong magsuot ito ng helmet para na rin sa kanyang kaligtasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy