Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

First time! Puso ng baboy nailagay sa tao

0 259

Matagumpay na nailipat ng mga doktor sa Amerika ang puso ng baboy sa katawan ng isang 57-taong gulang na pasyente na may life threate­ning heart disease.

Ito ang unang beses na may genetically modified na puso ng hayop na gumana gaya ng puso ng tao nang hindi kaagad na tinatanggi ng katawan ng tao, ayon sa mga doktor.

Ang pambihirang heart transplant mula sa baboy patungo sa katawan ng tao ay isinagawa ng mga doktor sa University of Maryland Medical Center at pinangunahan ni Dr. Griffith noong Biyernes sa pasyenteng si David Bennett Sr.

Nalagpasan na ng pasyente ang 48 na oras na critical stage at normal na tumitibok ang puso ng baboy sa katawan ni Bennett at wala daw senyales ng rejection mula sa katawan ng pasyente.

Ayon kay Griffith, isinagawa nila ang experimental treatment dahil malapit nang mamatay ang pasyente na umaasa na lang sa heart-lung bypass machine.

Enero 1, 2022 binigyan ng emergency authorization ng US Food and Drug Administration ang transplant surgeons na isagawa ang pambihirang operasyon.

Samantala, ang genetically altered pig ay mula sa Revivicor, isang regenerative medicine company sa Virginia. (Dave Llavanes Jr.)

Leave A Reply

Your email address will not be published.